Ang Anak Ko, Sanay sa Karga

Monday na naman! May pasok na naman si Mumshie Nica. So like any other day, hinanda na namin si Nathan para sumama sa mga in laws ko, para may magbabantay sa kanya habang nasa opisina kaming mag-asawa.



carryingababy
Selfie before going to work


MWF, sinasama si Nathan ng mga biyenan kong doctor sa clinic nila para doon alagaan si Nathan, wala kasing ibang magbabantay, ang Nanay ko, busy sa pag-aasikaso sa mga kapatid ko at tatay kong may sakit. TTH, walang clinic ang mother in law ko kaya dito lang din sila sa bahay.

Nasanay na sa ganitong setup ang anak ko. At first mahirap kase lagi syang umiiyak sa tuwing aalis na kami. Pero habang tumatagal, nasasanay na sya. Nag gugoodbye kiss pa nga sya sa amin!

Pero ngayong araw. He was upset about something, ayaw tuloy niya sumama sa mga byenan ko. Umiiyak sya at gusto lang na nakakarga sa akin. Ang sakit para sa akin na makita na paalis sya, sakay ng kotse at umiiyak. Gusto kong hindi na lang pumasok.

Because of this, I was told na "Sinasanay ninyo kase sa karga". Bigla tuloy akong napaisip. Mali ba na gustuhin ko na laging karga karga ang anak ko? Hindi ba isa ito sa paraan para iparamdam natin sa ating mga anak na mahal na mahal natin sila, at kaya natin silang protektahan?

I have nothing against other parent's opinions and their way of taking care of their own children. ang sa akin lang, gusto ko na habang kaya ko pang kargahin ang anak ko, at hanggat may lakas pa ako para gawin to, GAGAWIN KO. I am a working mom, at nakukulangan ako sa oras na kasama ko ang anak ko pag uuwi ako. Syempre oras na ng pagtulog sa gabi tuwing uuwi kami. Kaya ang gusto ko, kapag nasa bahay ako, lagi ko syang kasama. Sasalubungin ko sya ng mahigpit na yakap at bubuhatin ko sya, kahit 2 years old na sya! Ang lakas kaya makawala ng stress kapag nakikita kong ang saya saya niya kaming sinasalubong.

Kahit noon pa na bagong panganak ko pa lang kay Nathan, nasasabihan na ako na "huwag mong sanayin sa karga". In my own opinion, ok lang naman na sanayin ko sa karga ang anak ko. Sabi ko nga kanina, It's my way of showing him that I love him, especially na sobrang baby pa niya at hindi pa niya naiintindihan ang salita. At alam ko na sa pamamagitan ng pagkarga at pag-akap, dun niya maiintindihan na mahal na mahal ko sya. Sa tingin ko naman, you can never spoil a baby by carrying him/her, kase we need to cater their needs, and one of their needs ay ang yapos ng nanay!

Kaya sa mga first time mom na kagaya ko, go lang, gawin niyo lang ang lahat ng gusto ninyong gawin sa anak ninyo na feeling ninyo ay makakabuti sa kanila. Kase kahit naman anong gawin natin ay makakarinig at makakarining tayo ng kung ano ano mula sa mapanghusgang lipunan. CHAR.

Enjoy nyo lang each moment with your child!

O siya sige! Pasok na ako sa office! 

2 Comments

  1. Being a teacher of kids before, I think all parenting styles are effective. Your child, your rule. Hehehe!

    ReplyDelete
  2. ako i spoil him in the correct way yung tipong, i still sleep with him, papaliguan ko, kakargahin ko, anything hanggang sa kaya ko pa. kasi i know he would not want those when he is bigger. this year he started to sleep in his own room, halos buong quarantine time mag isa ako natutulog sa room ko, sila ni dada niya nasa room niya, dahil hindi makatulog without me ngayon dedma na ako, so ok lang to be spoiling him or clingy, they will grow up soon.

    ReplyDelete